Palaro, Batang Pinoy kailangang rebisahin
MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator Grace Poe sa Department of Education (DepEd) na repasuhin at baguhin ang mga patakaran at regulasyon na gumagabay sa Batang Pinoy at sa Pala-rong Pambansa, mga programang pampalakasan ng naturang ahensiya.
Ito ay alinsunod sa pagpapatupad ng K-12 curriculum na dagdag na dalawang taon sa programa sa high school.
“Ang mga regulas-yon sa school levels at maging ang rekisito sa edad, partikular sa Pa-larong Pambansa, ay dapat nang repasuhin ng DepEd,” ani Poe.
Di malayong magkaroon ng kuwestiyunan hinggil sa edad na kahina-hinala sa darating na panahon lalo na kung ikokonsidera na maraming bata ang biglang luma-laki pagsapit ng edad 15 hanggang 18.
Ang susunod na Pa-larong Pambansa ay gaganapin sa lalawigan ng Albay sa Agosto 2015 at sa tingin ni Poe ay kaila-ngan nang pag-aralan ang mga regulasyon sa Pala-rong Pambansa gayundin sa Batang Pinoy na inoorganisa naman ng Philippine Sports Commission.
Ang mga kompetisyong ito ay nilalahukan ng mga atletang estudyante mula sa pribado at pampublikong paaralan na pang-elementarya at pansekundarya sa buong bansa.
“Sigurado, maraming record ang mabubura dahil ang lalahok na mga estudyante ay mas matanda na ng dalawang taon kaysa dating mga high school, na inaasahang mas malakas at mas may karanasan kum-para sa dating naglalaro,” sabi ni Poe.
Dahil dito, maaaring lumikha ng bagong mga kategorya ang mga organisador o antas ng kumpetisyon na magpapahintulot sa mga estudyanteng atleta na lumaban sa antas ng kanilang totoong potensiyal.
“Maaaring may antas sa elementarya at sekundarya ang palaro pero maaaring baguhin ito at gawing elementary, junior at high school, ang antas ng laro,” paliwanag ni Poe. “At sa inaasahang biglaang pagtaas ng kalidad ng kompetisyon dapat na maging handa rin ang DepEd na ipreserba ang mga records ng nagdaang Palarong Pambansa, para hindi natin malimutan ang naging tagumpay ng mga batang [atleta] na nagmula sa mga palarong inorganisa ng DepEd at naging matagumpay nang sumabak sila sa mas mataas na lebel ng kumpetisyon [ng palakasan].”
- Latest