Sports world nagluluksa rin dahil sa Paris attacks
MANILA, Philippines – Ang lahat ng major sporting events sa Paris region ay sinuspindi nitong Sabado.
Ipinagluluksa ng France ang mga naging biktima ng mga pag-atake sa naturang lungsod kung saan 129 na ang namamatay at 352 ang sugatan.
Nagpakita ng respeto, kalungkutan at suporta maging sa labas ng French borders kasama na ang mundo ng sports mula Sydney hanggang Washington hanggang Sao Paulo, gayundin ang pamilya ng NBA bilang pakikiisa.
Nagkaroon ng isang minutong katahimikan ang lahat ng NBA arenas bago ang mga laro bilang pagsuporta sa France.
Bago ang Euro 2016 soccer playoff sa pagitan ng Sweden at Denmark sa Friends Arena sa Stockholm, napuno ng pulang at bughaw na ilaw ang stadium
Nakasuot ng itim na armbands ang mga players at pinangunahan ni Sweden at Paris St Germain striker Zlatan Ibrahimovic ang one minute silence.
Nagsagawa rin ng isang minutong katahimikan bago ang playoff ng Ukraine at Slovenia sa Lviv at inihayag din ng European soccer governing body na gagawin ito sa lahat ng UEFA games sa mga susunod na araw.
Ang pakikiisa sa France ay ginagawa rin sa ibang lugar.
Nagpakita ang mga Sydney FC soccer fans ng French tricolore sa A-League match kontra sa Melbourne Victory at ang ice ay umilaw ng kulay puti, asul at pula sa NHL game ng Washington Capitals laban sa Calgary Flames.
Nakasuot din ng armbands na may kulay ng French flag ang mga jockeys sa malalaking karera ng kabayo sa Cheltenham, England at sa BMW Masters golf tournament sa Shanghai, may nakasulat sa cap ni French golfer Benjamin Hebert ang “Pray for Paris.”
Ilang mga NBA players mula sa France ang nag-aalala matapos ang mga pangyayari sa France.
Ang mga players mula sa France ay sina Pelicans center Alexis Ajinca, Nicolas Batum ng Hornets, Joakim Noah ng Hornets players, Boris Diaw at Kevin Seraphin ay nag-aalala sa kanilang mga pamilya sa France.
Maraming NBA players ang nag-tweet ng kanilang saloobin tungkol sa pangyayari sa France.
- Latest