^

PM Sports

Petron sumosyo sa liderato

Pang-masa

LIPA CITY, Philippines – Sa ma­lamyang inilaro ng ka­nilang mga pambato, sumandal ang nagdedepensang Petron kina Mai­ca Morada, Frances Molina at Brazilian import Rupia Inck para makisalo sa liderato.

Pinabagsak ng Lady Blazers ang Foton Tornadoes, 27-25, 25-23, 25-16, sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament ka­hapon dito sa De La Salle-Lipa Sentrum.

Nagposte si Inck ng 17 kills at 2 blocks para sa kanyang game-high na 19 points, habang nag-ambag ng 13 points si Rachel Anne Daquis para sa Petron na naghahangad ng kanilang ikatlong sunod na korona.

Magkasosyo sa lide­ra­to ang Blaze Spi­kers at ang Philips Gold Lady Slammers sa ka­nilang magkatulad na 7-2 marka.

Ang mananalo ang ma­kakapitas sa top seeding para harapin ang fourth seed sa ‘do-or-die’ semifinals sa susunod na linggo.

Bumaba naman sa 6-4 ang Foton at makukuha ang fourth spot kung mananalo ang Cig­nal (6-3) kontra sa Meralco bukas.

Winakasan ng Blaze Spikers ang five-game winning run ng Tornadoes.

Nalimitahan din ng Petron sina American imports Lindsay Stalzer at Katie Messing.

Sa ikalawang laro, ti­nalo ng Meralco ang RC Cola-Air Force, 25-21, 28-26, 25-21.

ACIRC

ANG

BLAZE SPI

BLAZE SPIKERS

COLA-AIR FORCE

DE LA SALLE-LIPA SENTRUM

FOTON TORNADOES

FRANCES MOLINA

GRAND PRIX

PETRON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with