‘Twice-to-beat’ nakamit pa rin ng Tamaraws Bulldogs sinakmal ang playoff sa Final 4
MANILA, Philippines – Hindi pa handang isuko ng Bulldogs ang kanilang korona.
Umiskor ng isang mahalagang jumper si guard Gelo Alolino sa natitirang 33.5 segundo sa fourth quarter para igiya ang nagdedepensang National University sa 70-68 panalo laban sa Far Eastern University sa 78th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa pagsakmal sa kanilang pang-pitong panalo sa 14 laro ay nakuha ng Bulldogs ang playoff para sa No. 4 berth sa Final Four.
Tumapos si Alolino na may 20 points para sa NU na ganap na makakamit ang No. 4 ticket kung matatalo ang La Salle sa FEU sa Miyerkules.
Apat na beses nagtabla ang Bulldogs at ang Tamaraws sa final canto kung saan ang huli ay sa 68-68.
Sinundan ito ng basket ni Alolino na nagbigay sa NU ng 70-68 abante sa nalalabing 33.5 segundo.
Umalog naman ang layup ni guard Mike Tolomia para sa huling posesyon ng FEU.
Sa kabila ng kabiguan ay nakamit pa rin ng Tamaraws ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ bonus matapos ang 69-74 kabiguan ng Ateneo Blue Eagles sa sibak nang University of the East Red Warriors sa unang laro.
Lalabanan ng No. 1 UST Tigers ang tatayong No. 4 team, habang sasagupain ng No. 2 Tamaraws ang No. 3 Blue Eagles.
UE 74 - Derige 17, Javier 13, De Leon 10, Batiller 9, Yu 8, P. Varilla 7, Palma 6, Charcos 4, J. Varilla 0, Sta. Ana 0, Cudal 0.
Ateneo 69 - Ravena 28, Pessumal 10, Black 8, Wong 5, Ikeh 4, Capacio 4, Mi. Nieto 4, V. Tolentino 2, A. Tolentino 2, Babilonia 2, Gotladera 0, Pingoy 0, Go 0, Cani 0.
Quarterscores: 21-15; 35-26; 53-51; 74-71.
NU 70 - Alolino 20, Aroga 16, Celda 9, Javillonar 9, Javelona 6, Diputado 4, Alejandro 2, Neypes 2, Salim 2, Morido, Abatayo 0.
FEU 68 - Tolomia 23, Arong 10, Ru. Escoto 9, Pogoy 8, Belo 8, Tamsi 5, Ri. Escoto 2, Iñigo 2, Orizu 1, Eboña 0, S. Holmqvist 0, Trinidad 0.
Quarterscores: 14-17; 32-31; 51-50; 70-68.
- Latest