^

PM Sports

Azkals nalusutan ng Yemen

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ilang minuto na lamang ang nalalabi at tila mauuwi sa scoreless draw ang ikalawang pagtutuos ng Philippine Azkals at Yemen noong Huwebes ng gabi sa Rizal Memorial Football Field.

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, nakalusot si Ahmed Al Sarori tungo sa marginal goal at ang Yemen ay nagwagi sa 1-0 iskor sa FIFA World Cup Qualifying.

Naipagpag ng pamalit na si Al Sarori ang mga defenders ng Azkals bago naipasok ang goal sa 83rd minute ng labanan para maipaghiganti ang 0-2 pagkatalo sa unang pagtutuos.

Masakit ang pagkatalong ito dahil dominado ng Azkals ang laro at may 5-3 bentahe sila sa shots on goal.  Ngunit walang naipasok ang Azkals habang ang suwerte ay napunta sa Yemen na may ipinagdiwang din kahit ang bansa ay may hinaharap na giyera.

“We had two to three chances to score. If you have that chances and the other team scored, something is wrong,” pahayag ni Azkals coach Thomas Dooley. “You could see that the combination, the understanding in the field wasn’t there today.”

Naglaro ang Azkals na wala si team captain Phil Younghusband at starting goal keeper Neil Etheridge dahil ang una ay suspindido dahil naabot na ito ang quota sa naitawag na yellow card habang si Etheridge ay may iniindang hamstring injury.

Ang pagkatalo ay  pangalawang sunod para matapos na ang pangarap ng pambansang koponan na uma-bante pa sa round three ng Qualifier sa pagkakaroon lamang ng pitong puntos.

AHMED AL SARORI

AL SARORI

ANG

AZKALS

NEIL ETHERIDGE

NGUNIT

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL FIELD

THOMAS DOOLEY

WORLD CUP QUALIFYING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with