Parks Jr. sasalang sa NBA D-League?
MANILA, Philippines – Umaasa si Bobby Ray Parks, Jr. na mapapasama siya sa regular season roster ng Texas Legends sa pagsagupa sa Austin Spurs ngayon sa NBA Development League sa Cedar Park Center sa Texas.
Pinili si Parks, isang undrafted player sa nakaraang NBA rookie draft bagama’t nakita sa aksyon sa NBA pre-season sa Dallas Mavericks, para sa 17-man training camp team ng Legends ilang araw matapos mahugot bilang 25th overall ng Texas.
Base sa kanyang inilaro ay maaaring si Parks ang magiging kauna-unahang Filipino player na naglaro sa NBA D-League.
“He’s (Parks) a really good shooter. Piggyback on the same word we’re using all day, he’s very versatile. He can give you some minutes at the point, he can give you some minutes at shooting guard,” sabi ni Byron Bogar, ang Legends’ Director of Player Programs, sa nakaraang episode ng Beyond the Bounce na ipinoste sa kanilang official website.
“He’s been playing great defense. In all he’s a great character guy,” dagdag pa nito.
Humanga naman si Texas coach Nick Van Exel, isang dating NBA star, sa kanyang koponan pati na kay Parks.
“The beauty of it is we got a lot of good shooters that are battling for the same position. We got guys who are good... being a good teammate, being a professional. It’s always a blessing and makes your job a lot easier,” ani Van Exel.
Si Parks, anak ni many-time PBA Best Import Bobby, Sr., ang naging ikalawang Filipino na nakuha sa NBA farm league matapos si Japeth Aguilar na hinugot sa seventh round ng Santa Cruz Warriors noong 2012.
Ngunit hindi napasama si Aguilar sa main roster ng Santa Cruz sa NBA D-League regular season.
Sa paglalaro sa NBA D-League ay muling nabuhay ang pag-asa ng dating National U star at two-time UAAP MVP na si Parks na makapaglaro sa NBA.
- Latest