Rain or Shine hangad ang 4-0
MANILA, Philippines – Sa kanyang unang tatlong laro bilang rookie ay pinahanga na ni Filipino-Nigerian guard Maverick Ahanmisi si Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Ngunit hindi pa ito ang kaya niyang gawin para makatulong sa Elasto Painter.
“I played well, but it’s just three games. I haven’t done much. If we keep winning, the silence will come. That’s the most important thing,” wika ni Ahanmisi.
Target ang kanilang ikaapat na sunod na panalo at ang patuloy na pagsosolo sa liderato, lalabanan ng Rain or Shine ang Globalport ngayong alas-7 ng gabi sa PBA Philippine Cup sa Philsports Arena sa Pasig City.
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay maghaharap naman ang NLEX at ang Mahindra ni playing coach Manny Pacquiao.
Huling biniktima ng Elasto Painters ang San Miguel Beermen, 99-84 kung saan tumapos ang 6-foot-3 na si Ahanmisi na may 14 points, 5 rebounds at 4 assists.
“He showed he was going to withstand the pressure. I knew by his body language he’s not fancy, he’s not noisy. He’s just there, he’s just playing the game,” sabi ni Guiao sa inilaro ng 22-anyos na rookie guard na siyang sumalo sa naiwang trabaho ni combo guard Paul Lee, kasalukuyang nagre-rekober sa injury sa kaliwang tuhod.
Target naman ng Batang Pier ang kanilang ikatlong panalo matapos ta-lunin ang Barako Bull Energy sa overtime, 105-91 noong Nobyembre 8.
Sa naturang tagumpay ng Globalport ay naglista si Terrence Romeo ng 21 points habang humakot si Stanley Pringle ng 19 points, 17 rebounds at 5 assists para sa Globalport.
“We’ve been solid, but I feel there’s so much room for improvement in our team. It’s crazy how much better we can get if we were clicking the way we should be on the floor,” sabi ni veteran forward Jay Washington sa Batang Pier.
- Latest