128 team kasali sa BEST 3-on-3 competition
MANILA, Philippines - May kabuuang 128 teams mula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ang inaasahang sasabak sa unang 3-on-3 competition ng Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) na handog ng Milo Ready to Drink sa Nov. 15 sa Ateneo covered courts sa Katipunan, Quezon City.
Gagamitin sa tournament na suportado rin ng Freego at Rain or Shine ang format ng basketball’s international federation (FIBA) na nag-oorganisa ng taunang FIBA 3-on-3 World Tour.
Walong koponan na binubuo ng apat na players ang maglalaban-laban sa boys 15 years old and under (mga players na ipinanganak mula 2000) at 48 teams sa boys 12-under (ipina-nganak noong 2003 pataas).
Magsisimula ang mga laro sa alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
“The 3-on-3 has become a development program of FIBA, and we’d also like to have that kind of grassroots program in the country,” sabi ni BEST Founder Nic Jorge sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Shakey’s Malate.
“It’s our share for basketball development in the country, and in helping develop the skills of our youth through the sport,” dagdag ni Milo Sports Executive Robbie De Vera, na dumalo rin sa Forum na handog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel, and the Philippine Amusement and Gaming Corp. kasama si tournament commissioner Edwin Barber.
Ang champion team ay mag-uuwi ng P10,000 habang ang second, third at fourth placers ay may P6,000, P3,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.
- Latest