^

PM Sports

Malaki ang tsansa ng Pinas sa Rio Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa ipatutupad na format ay lumakas ang tsansa ng Gilas Pilipinas na makapitas ng tiket para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

Gagamit ang FIBA ng pinaikling tournament format para sa idaraos na tatlong Olympic world qualifiers na sabay-sabay na gagawin sa Hulyo 5-11, 2016.

Kaya naman determinado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na manalo sa bidding para mag-host ng isa sa tatlong Olympic basketball qualifying events.

“We’re really going all out to compete. That’s why we’re determined to host,” sabi ni SBP executive director Sonny Barrios.

Ang Olympic qualifying tourney ay six-day event lamang kung saan hahatiin ang anim na koponan sa dalawang grupo sa elimination round.

Ang top two sa bawat grupo ang aabante sa crossover semifinals kung saan ang mananalo ang magla-laban sa finals.

Ang magkakampeon ang makakakuha ng puwesto sa 2016 Rio Olympics.

“(It’s a format susceptible to) element of surprise or element of ‘disgrasya.’ So we have a chance,” wika ni Gilas team manager Butch Antonio.

“A team plays a maximum of four games and a minimum of two games. In group phase, (you get) one win and you already have a solid chance to make the next round,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni San Miguel coach Leo Austria na ang maikling format ang papabor sa mga mahihinang koponan.

“In a long tourney, weak teams have no chance of winning. Here, you be in your best form and you can pull off a surprise especially if the strong teams take you lightly,” ani Austria.

Ang mga maglalaro sa Olympic wildcard play ay ang France, Serbia, Greece, Italy at Czech Republic mula sa Europe, ang Canada, Mexico at Puerto Rico buhat sa America, ang Angola, Tunisia at Senegal ga-ling sa Africa, New Zealand mula sa Oceania at ang Pilipinas, Iran at Japan. (NB)

ACIRC

ANG

ANG OLYMPIC

BUTCH ANTONIO

CZECH REPUBLIC

GILAS PILIPINAS

LEO AUSTRIA

NEW ZEALAND

OLYMPIC GAMES

PILIPINAS

PUERTO RICO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with