Gustung-gusto ni Pacquiao; Mayweather ayaw na
MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay kumbinsido pa rin si Manny Pacquiao na mangyayari ang kanilang rematch ni Floyd Mayweather, Jr. sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Pacquiao sa panayam ng CNN World Sport sa isang charity event na pinamunuan ng Filipino world eight-division champion sa Abu Dhabi.
“It’s possible – very much. “I would love to have a rematch, if he wants it,” sabi ng 36-anyos na si Pacquiao sa 38-anyos na si Mayweather.
Sinabi naman ni Mayweather sa FightHype.com na ginagamit lang ni Pacquiao ang kanyang pangalan para i-promote ang kanyang sarili at ang susunod na laban.
“It’s all bull…it,” sabi ni Mayweather. “What they’re (Pacquiao camp) doing is this, once again, piggybacking off my name to sell pay-per-view numbers when he do go out there and fight again.”
Tinalo ni Maywea-ther si Pacquiao via una-nimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada bago isinunod si Andre Berto noong Setyembre.
Matapos ito ay inihayag ni Mayweather ang kanyang pagreretiro kung saan niya napantayan ang 49-0-0 win-loss-draw ring record ni heavyweight legend Rocky Marciano.
Ayon sa American world five-division titlist, wala na siyang planong bumalik sa boxing ring at harapin si Pacquiao para sa isang rematch.
Subalit hindi ito pinaniniwalaan ni ‘Pacman’.
“Of course, we hear from him many times that he has retired,” wika ni Pacquiao kay Mayweather. “It’s not new for him.”
- Latest