Bradley malayo sa isip ang muling pagharap kay Pacquiao
MANILA, Philippines – Kamakailan ay sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na may tsansang maitakda ang pangatlong paghaharap nina Filipino boxing superstar Manny Pacquiao at American world welterweight king Timothy Bradley, Jr.
Ngunit ito ay depende sa ipapakita ni Bradley sa kanyang laban kay Brandon Rios ngayon sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.
Sinabi naman ni Bradley na hindi niya iniisip na matutuloy ang kanilang ‘trilogy’ ni Pacquiao sakaling talunin niya si Rios.
“I’m really not thinking about it,” wika ni Bradley sa panayam ng The Times. “Hasn’t even been a thought.”
Ginulat ni Bradley si Pacquiao nang kunin ang kontrobersyal na split decision sa kanilang rematch noong Abril ng 2014 ay dinomina ni Pacquiao si Bradley patungo sa kanyang majority decision victory.
Alam ni Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization welterweight titlist, na mapaplantsa lamang ang kanilang pangatlong pagtutuos ni Pacquiao kung mapapabagsak niya si Rios na tinalo ni ‘Pacman’ noong 2013.
“I know (a trilogy) is realistic, but the opportunity can’t be there unless I beat Rios,” sabi ni Bradley. “I can’t think about the opportunity, because the opportunity I have in front of me is the only thing that’s important. So Pacquiao hasn’t even crossed my mind.”
Gagawin ng 36-anyos na si Pacquiao ang kanyang pinakahuling laban sa Abril 9, 2016 kasunod ang pagtutok sa kanyang hangaring makakuha ng puwesto sa Senado sa National Elections sa Mayo 2016.
Maliban kay Bradley, ang iba pang nasa listahan ni Arum para labanan ni Pacquiao ay sina British star Amir Khan, Terence Crawford at Danny Garcia.
Kung pipiliin ni Pacquiao si Khan ay kailangan ng Pakistani na pumunta sa Las Vegas, Nevada para pormalisahin ang fight contract. (RC)
- Latest