Toronto wala pa ring talo
OKLAHOMA CITY -- Humugot si DeMar DeRozan ng 10 sa kanyang 28 points sa fourth quarter at nakabangon ang Toronto Raptors mula sa eight-point deficit sa huling anim na minuto para talunin ang Oklahoma City Thunder, 103-98.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Toronto.
“I don’t know how many games we’re going to win, but I do know that we’re going to scrap,” sabi ni coach Dwane Casey. “We’re going to compete, play hard, get after people. Tonight, our shots weren’t falling and we attacked the rim and got to the free throw line, made the officials make a decision and forced the defense to react.”
Kumolekta si Jonas Valanciunas ng 17 points at 12 rebounds at nagdagdag si Kyle Lowry ng 17 points para sa Raptors (5-0) na tumalo sa Dallas Mavericks kamalawa.
Nakakuha ang Toronto ng puntos mula sa 19 turnovers ng Oklahoma City at may 32-12 bentahe sa foul line.
Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng Thunder sa kabila ng magandang 48 percent fieldgoal shooting.
Kumolekta naman si Russell Westbrook ng 20 sa kanyang 22 points sa second half at tumapos na may 16 assists, habang nag-ambag si Enes Kanter ng 15 markers para sa Thunder.
Sa Cleveland, ginawan ni LeBron James ng paraan ang masikip nilang jersey para ihatid ang Cavaliers sa 96-86 panalo laban sa New York Knicks.
Kumamada si James ng 23 points at pinunitan ang kanyang body-hugging, sleeved uniform, habang nag-ambag si Mo Williams ng 22 markers.
- Latest