Fil-Am Cyclist may pag-asang makapasok sa Rio Olympics
MANILA, Philippines – Nanatiling buhay ang hangarin ni Fil-Am Sienna Fines na makakuha ng Olympic berth matapos angkinin ang Women’s Juniors gold medal sa katatapos na 2015 Asian Continental BMX Championships sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Nagtala ang 17-anyos na si Fines, ang angkan ay mula sa Sta. Maria, Ilocos Sur, ng winning time na 36.190 laban kina Chutikarn Kitwanichsatien ng Thailand at Khiwg Zin Moe ng host Myanmar.
“It feels incredible to win my first Asian Cham-pionship title, especially coming off an injury and being the youngest rider in my category,” sabi ni Fines.
Pumang-apat naman si Chinese Yan Wang kasunod sina Indonesians Crismonita Diwi Putri, Cupi Nopianti at Regina Patricia Panie, Chinese Chanyuan Lyu at Indonesian Tifania Adien Almira Azaria.
Nakakuha si Fines, No. 35 sa mundo, ng 60 UCI points.
“Nothing is guaranteed yet with still 10 months until the 2016 Rio Summer Games. But this win will put me in a great position to potentially earn a spot in Rio because winning a Continental Championship is the second biggest achievement to winning a World championship,” sabi ni Fines, aakyat sa Seniors division sa susunod na taon para sa ha-ngaring makasikwat ng slot sa Rio Olympics.
Samantala, bumandera naman si Thai-American Amanda Carr sa Women’s Elite matapos ungusan sina Chinese Yan Lu at Japanese Haruka Seko.
Naghari si Yoshitaku Nagasako sa Men’s Elite kasunod ang mga kababayang sina Jukia Yoshimura at Tatsumi Matsushita.
Nanalo naman si Japanese Daichi Yamaguchi, sa Men’s Juniors. (OL)
- Latest