Totoong may nangyayaring negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather II
MANILA, Philippines – Pinangatawanan ni Manny Pacquiao na may nangyayaring negosasyon para sa rematch nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa kanyang pinakahuling laban sa Abril 9, 2016.
Ito ang pahayag ni Pacquiao sa kanyang pagdating sa Dubai, United Arab Emirates para sa laro ng Mahindra at Rain or Shine sa 2015 PBA Philippine Cup sa Biyernes.
“I don’t know yet but I am open to a rematch with him but it depends on the negotiation,” wika ng Filipino world eight-division champion sa muli nilang paghaharap ni Mayweather.
Natalo si Pacquiao sa American world five-division titlist via unanimous decision noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Matatandaang dala-wang beses ibinunyag ni Pacquiao na may pag-uusap ang magkabilang kampo para sa rematch.
Ngunit pinabulaanan ito mismo ni Mayweather at maging ni Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Nagretiro ang 38-anyos na si Mayweather noong Setyembre makaraang dominahin si Andre Berto at duplikahin ang record na 49-0-0 win-loss-draw ring record ni heavyweight great Rocky Marciano.
Sakaling hindi maplantsa ang kanilang rematch ni Mayweather ay may mga boksingerong ikinukunsidera si Arum para sa huling laban ni ‘Pacman’ bago magretiro at tutukan ang kanyang hangaring maging Senador.
Ang mga nasa lista-han ay sina British Amir Khan, Danny Garcia at Terence Crawford.
“I am open to fight anybody, there’s Amir Khan, the re-match with Floyd, but there’s also Danny Garcia and Terrence Crawford on the radar,” wika ni Pacquiao.
Ang kampo ni Khan ang kasalukuyang kinakausap ni Arum.
“I’m sure the kid would take the fight. Khan, his uncle Taz and his lawyer could be getting on a plane and coming over to Las Vegas and we could thrash this thing out,” sabi ni Arum sa 28-anyos na si Khan. “We could have had this thing done two weeks ago.”
Wala namang pinipiling makakasagupa si Khan, dating sparmate ni Pacquiao, ngunit mas gusto niyang makatapat ang Filipino boxing superstar.
““I’ll fight anybody who is brought in front of me. If it’s Manny Pacquiao, it’s Manny Pacquiao. If not then somebody else,” wika ni Khan. (RC)
- Latest