^

PM Sports

Alaska papalagan ang Ginebra at Mahindra sa Dubai, UAE

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang sunod na la­ro ang gagawin ng Alaska sa pagdadala ng PBA ng aksyon ng 2015 Philippine Cup sa Dubai sa Biyernes at Sabado.

Hindi lahat ng kopo­nan ay papayag na sagu­pain ang dalawang tropang naghahanap ng ka­nilang kauna-unahang pa­nalo matapos ang 0-2 pa­nimula.

Kaya naman pinasala­matan ni PBA Chief Exe­cutive Officer Chito Salud ang Aces ni coach Alex Compton.

“Nagpapasalamat ta­yo sa Alaska Aces sa pag­payag nilang maglaro ng back-to-back official games. Alam kong gagawin nila ito para sa ating mga kababayan sa UAE,” sabi ni Salud.

Makikipagtuos ang Alaska sa kapwa talunang Mahindra at Barangay Ginebra sa Biyernes at Sabado, ayon sa pagkakasunod, sa Al Wasl Stadium.

Kasalukuyang kasalo ng Alaska sa liderato ang nagdedepensang San Miguel, Rain or Shine at NLEX mula sa magkaka­tulad nilang 2-0 kartada.

Tumipa ang Aces ni coach Alex Compton ng 114-98 panalo laban sa Tropang Texters at 87-79 pananaig kontra sa Blackwater Elite.

Asam naman ng Enforcers ni playing coach Manny Pacquiao na ma­kabangon mula sa 94-108 pagkatalo sa Rain or Shine Elasto Painters no­ong Oktubre 25 at sa 97-101 pagyukod sa Talk ‘N Text Tropang Texters no­ong Oktubre 31.

Sa Sabado ay makaka­sagupa ng Aces ang Gin Kings ni two-time PBA Grand Slam champion mentor Tim Cone.

Bibiyahe ang Alaska at Mahindra ngayong uma­ga sa Dubai via Singa­pore Airlines kasunod ang Ginebra bukas.

Tatapusin ni Commissioner Chito Narvasa ang mga laro bukas sa Mall of Asia Arena bago dumiretso sa Dubai.

 

ACIRC

AL WASL STADIUM

ALASKA ACES

ALEX COMPTON

ANG

BARANGAY GINEBRA

BIYERNES

BLACKWATER ELITE

CHIEF EXE

DUBAI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with