^

PM Sports

Masangkay babandera sa powerlifting meet

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtatagisan ng lakas ang iba’t ibang gym sa buong bansa sa pagdaraos ng 2015 RAW Philippine National Powerlifting Championship sa Nobyembre 21-22 sa Fisher Mall sa Quezon City.

Ang torneo ang magsisilbi ring qualifying round para sa 2016 Asian Classic Powerlifting Championship sa Poland at USA.

Pangungunahan ni world class powerlifter Joan Masangkay ng Cyber Muscle gym team ang National Powerlifting tournament kasama sina Jere­my Reign Bautista ng Valle Verde, Jasmine Martin Gayanes Gorillas, Regie Ra­mirez at Anita Koykka Zest Power Gym.

Dominado ni Masangkay ang 43-kilogram weight class kung saan siya bu­mandera sa sub junior division hawak ang national record sa bench press (32.5kg), deadlift (95kg) para sa grand total na 187.5kg.

Tatangkain ni Masangkay na burahin ang national record na hawak ni Veronica Ompod ng Leyte Sports Academy sa bigat na 67.5kg sa squat.

Ang national record sa 52kg weight class ay tangan naman ni Bautista matapos bumuhat ng 45kg sa bench press.

Hangad niyang burahin ang record ni Daisy Lipasana ng Leyte Sports Aca­demy sa squat na may bigat na 80kg at ni Myris Supnad ng University of the Philippines sa deadlift sa bigat na 102.5kg para sa kabuuang 222.5kg.

 

ACIRC

ANG

ANITA KOYKKA ZEST POWER GYM

ASIAN CLASSIC POWERLIFTING CHAMPIONSHIP

CYBER MUSCLE

DAISY LIPASANA

FISHER MALL

JASMINE MARTIN GAYANES GORILLAS

JOAN MASANGKAY

LEYTE SPORTS ACA

LEYTE SPORTS ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with