^

PM Sports

2016 Le Tour pakakawalan sa Antipolo at tatapusin sa Legaspi City

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtutungo ang Le Tour de Filipinas (LTdF) sa Southern Luzon para sa pang-pitong edisyon sa susunod na ta­on.

Pakakawalan ang 2016 Le Tour sa Antipolo City at magtatapos sa Legaspi City kung saan dadaan ang mga siklista sa bantog na Mayon Vol­cano.

Magsisimula ang nasabing four-stage race sa Pebrero 18 mula sa mga bundok ng Antipolo at maglalakbay sa Laguna at Quezon bago magtapos sa Lucena City.

Ayon kay Donna Li­na ng nag-oorganisang Ube Media Inc., ang Stage Two ng annual race sa Asia Tour of the International Cycling Union (UCI) ang magda­dala sa continental team-laden entourage sa Daet, Camarines Norte sa Pebrero 19.

“It’s about time that we bring the LTdF down south, this time in the Southern Tagalog and Bicol regions to spur awareness on cycling not only as a competitive sport, but more importantly as a form of physical fitness,” sabi ni Lina.

Ang Stage Three sa Pebrero 20 ay isang ma­habang karera kung saan mag-uunahan ang mga siklista mula sa Da­et patungo sa Legaspi City.

Iikutin ng mga riders ang Mayon Volcano sa final stage sa Pebrero 21 at dadaan sa geothermal power plants sa Tiwi sa isang out-and-back course sa Legaspi City.

Kabuuang 15 teams, ka­sama dito ang halos 12 continental teams mu­la sa limang konti­nen­te, ang sasabak sa 2016 edition ng tanging UCI race sa bansa.

Sina Filipino riders Baler Ravina (2012) at Mark Galedo ang nagkampeon sa Le Tour no­ong 2012 at 2014, ayon sa pagkakasunod.

Si David McCann ng Ireland ang naghari sa unang Le Tour noong 2010 kasunod sina Rahem Emami (2011) ng Iran, habang si dating Asia No. 1 Ghader Mizbani ang nagkampeon no­ong 2013.

Si Frenchman Tho­mas Lebas, kumakarera pa­ra sa Japan-based na Bridgestone Anchor Cycling Team, ang nagbida noong 2015 edition.

ACIRC

ANG

ANG STAGE THREE

ANTIPOLO CITY

ASIA NO

ASIA TOUR OF THE INTERNATIONAL CYCLING UNION

BALER RAVINA

LE TOUR

LEGASPI CITY

PEBRERO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with