^

PM Sports

Lady Hitters pinigil ang Lady Maroons

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumabas ang pagi­ging beteranang kopo­nan ng PLDT Home Ultera Fast Lady Hitters nang kunin ang 25-12, 22-25, 25-15, 25-17, panalo laban sa UP Lady Maroons sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

May 29 excellent sets  bukod sa siyam na puntos si Rubie de Leon at pinuntahan niya sina Gretchel Soltones at Ja­nine Marciano na tuma­pos taglay ang tig-16 puntos para makaba­ngon ang PLDT sa pag­ka­talo sa Army Lady Troopers patungo sa 2-1 baraha.

“Ang naging adjustment lamang namin nga­yon ay communication kasi ito ang nawala sa laro  namin ng Army,” wika ni Soltones.

Si Marciano ay gu­ma­wa ng limang aces, si Sue Roces ay may si­yam na puntos at si Liz­lee Ann Pantone ay may 25 excellent digs para saluhan ang Lady Maroons at Navy Lady Sailors sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

May 11 at 10 puntos sina Isabel Molde at Dia­­na Carlos para sa UP na naputol ang two-game win­ning streak.

Hinawakan pa rin ng Lady Maroons ang blocks, 9-3, pero isa rin sa ininda ng Lady Maroons ay ang 34 errors.

Tinapos naman ng Coast Guard Lady Dolphins ang tatlong sunod na kabiguan sa  pama­ma­gitan ng 12-25, 25-22, 14-25, 25-23, 17-15 panalo laban sa Kia Forte sa ikalawang laro.

Nakita ang determinasyon ng Coast Guard na manalo nang buma­ngon sila mula sa 14-15 iskor sa fifth set upang manatiling palaban sa puwesto sa semifinals.

Si Rossan Fajardo ay mayroong 17 kills at isang block para pangunahan ang Coast Guard na ipinalasap sa Kia ang kanilang pangatlong sunod na kabiguan. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANN PANTONE

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD

COAST GUARD LADY DOLPHINS

GRETCHEL SOLTONES

HOME ULTERA FAST LADY HITTERS

LADY

LADY MAROONS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with