Foton sinilat ang Cignal
MANILA, Philippines – Nagpamalas ng impresibong performane ang Foton Tornadoes upang gulantangin ang bigating Cignal HD Lady Spikers, 25-17, 25-19, 25-18 kahapon sa 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix Women’s Volleyball Tournament sa The Arena sa San Juan.
Naging balanse ang atake ng Tornadoes mula umpisa hanggang sa matapos ang laro upang makopo ang kanilang ikatlong panalo sa anim na laro sa torneong hatid ng Asics katulong ang Milo bukod pa sa Senoh, Mikasa at Mueller bilang technical partners at TV5 bilang official broadcaster.
Nagdeliber sina imports Katie Messing, Lindsay Stalzer at Filipino-Ame-rican Kayla Williams ng tig-13 points habang tumapos si Jaja Santiago na may eight hits bukod pa sa kanyang solid net defense na nagpahirap kay Cignal import Ariel Usher.
Nagtala si Usher ng 22 kills at isang block tungo sa 23 points para sa Cignal na lumasap ng kanilang ikalawang sunod na talo makaraang ma-sweep ang first round.
Ngunit kinulang ng suporta si Usher mula sa mga locals dahil hindi naging produktibo ang backline defense ng HD Spikers na nalaglag sa 5-2.
“They’re already playing as a team because that’s what we lacked in the previous games,” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon. “Wala naman akong duda sa skills nila because I know they’re good. It only depends on the execution and blending.”
Magbibigay daan ang liga sa Undas at magbabalik aksiyon sa Nov. 5
- Latest