Palaro babalik sa Legaspi City
MANILA, Philippines – Matapos ang 63 taon ay magbabalik ang Pa-larong Pambansa sa Albay, Legaspi City.
Sa pagpupulong na isinagawa ng Palarong Pambansa Board sa Department of Education office sa Pasig City ay lumabas na nanguna ang nasabing lugar sa Bikol region para siyang tumayo bilang punong-abala sa 2016 edisyon.
Maituturing na makasaysayan ito noon pang 1952 huling nagdaos ng Palaro ang lugar na ngayon ay pinamumunuan ni Governor Joey Salceda.
Ang mahigpitang nakalaban ng Albay ay ang Tuguegarao City na sinasabing natalo ng isang boto sa 10-kasapi na bumubuo sa Palaro Board na pinangungunahan ni DepEd secretary Bro. Armin Luistro.
Kasalukuyan ng kumikilos ang pamahalaang lokal ng Albay para matiyak na magi-ging maayos ang hosting at sinimulan na nila ang pagpapaganda sa Albay Sports Complex sa Guinobatan town at ang pagpapatayo ng iba pang pasilidad na gagamitin sa kompetis-yon para sa mga batang mag-aaral na nasa elementarya at sekondarya.
Ang Palaro ay la-ging isinasagawa tuwing Mayo pero dahil may magaganap na pambansang halalan sa buwan na ito kaya iniurong ang kompetisyon at gagawin mula Abril 15 hanggang 22.
- Latest