Pacquiao-Mayweather 2 totoong inaayos na?
MANILA, Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay muling sinabi ni Manny Pacquiao na may nangyayaring pag-uusap para sa kanilang rematch ng nagretiro nang si Floyd Mayweather, Jr.
Ngunit muli itong pinabulaanan kahapon ng kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions.
Pinatotohanan din ito ng kampo ng 38-anyos na si Mayweather, tumalo sa 36-anyos na si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sa isang panayam kamakalawa ay sinabi ni Pacquiao na nakikipag-usap sila sa grupo ni Mayweather para sa isang rematch sa Abril 9, 2016 para sa pinakahuli niyang laban bago magretiro.
“I don’t know yet who’s my opponent next but we’re still negotiating right now about the rematch with Floyd Mayweather so hoping for that,” wika ng Filipino world eight-division champion.
Nauna nang sinabi ni Arum na hindi mangyayari ang naturang rematch dahil nagretiro na si Mayweather matapos maduplika ang record na 49-0-0 win-loss-draw ring record ni heavyweight legend Rocky Marciano.
“There’s been no negotiations, no discussion and because of the scheduling I don’t think its possible for it even to happen.” wika ni Arum.
Ang kasalukuyang kinakausap ni Arum para labanan si Pacquiao ay ang kampo ni British star Amir Khan, habang ikinukunsidera niya si WBO light welterweight king Terence Crawford.
Gagawin ni Pacquiao ang pinakahuli niyang laban sa Abril 9, 2016 matapos ihayag ang kanyang kandidatura para sa isang Senatorial seat.
- Latest