NLEX pumuwesto sa unahan
MANILA, Philippines – Sa kabila ng seven-point deficit sa first half ay hindi bumigay ang NLEX para iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Bumangon sa third quarter, pinatumba ng Road Warriors ang Barako Bull Energy, 93-85 para sumosyo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nanggaling ang NLEX sa 90-86 panalo kontra sa Blackwater at diniskaril ang pagpaparada ng Barako Bull kay Gilas Pilipinas guard JC Intal.
“At halftime I told them that we have to make one stop at a time,” sabi ni coach Boyet Fernandez. “We came back right away from seven points down from our defense.”
Mula sa 32-38 agwat sa Road Warriors ay naghulog ang Energy ng 13-0 bomba sa likod nina Intal at William Wilson para agawin ang 45-38 abante sa halftime.
Ngunit nakatabla ang NLEX sa 48-48 sa 8:36 minuto ng third period bago iwanan ang Barako Bull sa kinuhang 11-point lead, 76-65 sa huling walong minuto ng final canto.
Huling nakalapit ang Energy sa 74-78 mula sa basket ni Intal bago ang basket ni Mark Borboran para sa 89-78 paglayo ng Road Warriors sa 1:13 minuto ng labanan.
Tumapos si Asi Taulava na may 14 points kasunod ang 12 ni Mac Cardona at tig-11 nina Kevin Alas at Sean Anthony, habang may 10 si Enrico Villanueva.
Pinangunahan naman nina Intal at Wilson ang Barako Bull sa kanilang tig-16 markers, habang may 11 si Mic Pennisi at 10 si RR Garcia.
NLEX 93 – Taulava 14, Cardona 12, Alas 11, Anthony 11, Villanueva E. 10, Borboran 8, Camson 8, Villanueva J. 8, Khobuntin 7, Enciso 4, Apinan 0, Arboleda 0, Lanete 0, Reyes 0.
BARAKO 85 – Intal 16, Wilson 16, Pennisi 11, Garcia 10, Cruz 7, Miranda 7, Urbiztondo 7, Baracael 4, Monfort 3, Lanete 2, Sorongon 2, Forrester 0, Fortuna 0.
Quarterscores: 18-25, 38-45, 73-63, 93-85
- Latest