^

PM Sports

Orcollo, Biado, Kiamco may laban pa sa US 9-Ball

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa rin nalalaglag sina Dennis Orcollo, Carlo Biado at Warren Kiamco sa winner’s side nang nanalo uli sa pagpapatuloy ng 40th US Open 9-ball Championship na ginagawa sa Sheraton Waterside sa Norfolk, Virginia.

Hanap na higitan ang pangalawang puwestong pagtatapos noong nakaraang taon, si Orcollo ay nakitaan ng mabangis na porma para ilampaso si Pham Phuong Hong ng Vietnam, 11-1 upang umabante sa third round laban kay Dang Jin-hu ng China.

Si Hu ay umabante gamit ang mas mabangis na 11-0 shutout panalo kay Scott Brazier ng US.

Nanaig si Biado kay  Brandon Shuff ng US, 11-5, para itakda ang pagharap sa mabigat na si German cue artist Thorsten Hohmann na umusad sa pamamagitan ng 11-3 panalo kay Michael Wong.

Wagi si Kiamco sa kababayang si Francisco Felicilda na sinamahan ang iba pang Filipino players na sina Ramil Gallego, Jundel Mazon at Jeffrey Ignacio sa one-loss bracket.

Katunggali ni Kiamco si Jason Klatt ng Canada na nanalo kay Jorge Rodriguez ng Mexico sa 11-7 iskor.

Taong 1976 nang binuhay ang kompetisyon at sina  Efren “Bata” Reyes at Fil-Canadian Alex Pagulayan pa lamang ang nagkampeon mula sa bansa noong 1994 at 2005.

Nagkaroon ng pagkakataon si Orcollo na manalo noong nakaraang taon nang pangunahan ang loser’s side pero kinapos siya at yumuko sa 10-13 iskor kay three-time defending champion Shane Van Boening ng USA. (AT)

ANG

BRANDON SHUFF

CARLO BIADO

DANG JIN

DENNIS ORCOLLO

FIL-CANADIAN ALEX PAGULAYAN

FRANCISCO FELICILDA

JASON KLATT

JEFFREY IGNACIO

JORGE RODRIGUEZ

JUNDEL MAZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with