^

PM Sports

Huling laban ni Pacquiao sa Abril 9

Pang-masa

MANILA, Philippines – Plano ni Philippine boxing legend Manny Pacquiao na tapusin ang kanyang ring career sa Abril 9 bago tutukan ang kanyang political career.

Ito ang sinabi ni promoter Bob Arum sa pa-nayam ng ESPN.com.

Ayon kay Arum, napag-usapan na nila ni Pacquiao ang magiging pinakahuling laban nito nang magkita sila sa New York noong nakaraang linggo kung saan tumanggap si ‘Pacman’ ng Asia Game Changer award mula sa Asia Society at United Nations.

“I’m telling you what he told me last week at dinner in New York,” wika ni Arum sa website. “We talked very seriously and he said, ‘Bob, hopefully, by the middle of May I will have been elected senator in the Philippines and at that point I cannot engage in boxing because I need to focus on the senate and I have to be in attendance.’

“Manny told me this fight on April 9 will be his last fight.”

Kamakailan ay pormal na inihayag ni Pacquiao ang kanyang pagtakbo para sa isang upuan sa Senado.

Dalawang beses siyang naging Congressman ng Sarangani simula noong 2010.

Wala pang pangalan ng makakalaban ni Pacquiao ang inihahayag ni Arum, ngunit nabanggit niya si Amir Khan, ang dating unified junior welterweight titleholder bukod pa kay unbeaten junior welterweight champion Terence Crawford.

Ang dalawa pa ay sina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley.

Sinabi na ni Marquez (56-7-1, 40 KOs) na wala siyang interes na muling labanan si Pacquiao sa panglimang pagkakataon, habang kailangan namang talunin ni Bradley si Brandon Rios sa Nobyembre para sa posibleng pa-ngatlong pagkikita nila ni Pacquiao.

Nakuha ni Bradley ang controversial split decision sa kanilang 2012 fight at nakabawi naman si Pacquiao sa kanilang 2014 rematch.

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

ASIA GAME CHANGER

ASIA SOCIETY

BOB ARUM

BRADLEY

BRANDON RIOS

JUAN MANUEL MARQUEZ

NEW YORK

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with