^

PM Sports

HD Spikers winasak ang Wrecking Ball

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kaya ring manalo sa mahigpitang laro ang Cig­nal HD Spikers nang kanilang daigin ang ba­guhang Sta. Elena Wrecking Ball sa Spi­kers’ Turf Reinforced Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan  Ci­ty.

Galing sa mapait na 22-25, 18-25, 25-20, 21-25 pagkatalo sa Air Force Airmen, nagpa­kita ngayon ng tibay ng dibdib ang mga HD Spikers para makaba­ngon sa kabiguan sa da­lawang sets tungo sa 23-25, 22-25, 25-16, 25-20, 15-9 panalo.

Si Lorenzo Capate Jr. ay ibinabad sa huling tatlong sets at tumapos pa taglay ang 13 puntos, habang sina Edward Yba-ez, Alexis Faytaren at Edmar Bonono ay may tig-12 puntos.

Mabisang sandata ng Cignal ang magandang blocking kung saan si Herschel Ramos ay may apat at dalawa ang hatid ni Bonono para bigyan ang koponan ng 14-6 ka­lamangan.

Nakatulong para sa HD Spikers ang 44 errors ng Sta. Elena para maisantabi ang 63 kills upang lasapin ang ikalawang pagkatalo laban sa isang panalo na kinuha kontra sa Open Confe­rence champion na PLDT Home Ultera Fast Hitters.

Sina Nestor Molate, Alnasip Laja, Myco Antonio at Ace Mandani ay mayroong 19,  17, 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, pero hindi sa­pat ito para malagay sa ikaapat na puwesto sa anim na koponang liga.

ACE MANDANI

ACIRC

AIR FORCE AIRMEN

ALEXIS FAYTAREN

ALNASIP LAJA

ANG

EDMAR BONONO

EDWARD YBA

ELENA WRECKING BALL

HERSCHEL RAMOS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with