^

PM Sports

Popovich papalit kay Krzyzewski bilang US coach sa 2017

Pang-masa

SAN ANTONIO – Nang muling mangaila­ngan ng isang professio­nal coach ay pinili ng U.S. basketball team ang isa sa pinakamahusay na mentor sa NBA.

Magkakaroon ang 66-anyos na si Gregg Po­povich, may limang NBA championships, ng tsansang maihatid ang Team USA sa Olympic gold me­dal.

Kinuha ang San Anto­nio Spurs coach bilang kapalit ni Mike Krzy­zewski matapos ang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

“‘I can’t imagine ha­ving this opportunity,” sa­bi ni Popovich sa isang press conference. “It’s still sinking in ... but I love it.”

Simula sa 2017 ay si Po­povich na ang mangu­nguna sa training camp ng Team USA bilang paghahanda sa 2019 Basketball World Cup.

Tinulungan ni Krzy­zews­ki ang mga Ame­ricans sapul noong 2005.

Nang magdesisyon si USA Basketball chairman Jerry Colangelo na kumuha ng pro coach, hindi na siya tumingin sa iba.

“I had a short list,” wi­ka ni Colangelo. “It star­ted and ended with Pop.”

Itinuring ni Cleveland Cavaliers’ superstar Le­Bron James, naglaro sa tatlong Olympics, si Po­po­vich bilang ‘best coach in the world’.

“Team USA is in good hands with him,” wika ni Jame. “It was in good hands with Coach K. It’s almost like ‘The Godfather.’ We hand it off to Michael Corleone now.”

Iginiya ni Krzyzewski ang koponan sa magkaka­sunod na Olympic gold me­dals, dalawang world titles at sa 75-1 record.

Mananatili ang Duke coach, ang unang colle­giate coach na naging men­tor ng U.S. team si­mula nang payagan ang mga NBA players na ma­kapaglaro sa Olympics no­ong 1992, bilang special adviser kay Colangelo.

Si Popovich ay naging U.S. assistant noong 2002 world championships at noong 2004 Olympics.

Siya ay may 1,022-470 record bilang NBA coach.

Iginiya ni Popovich ang Spurs sa NBA titles no­ong 1999, 2003, 2005, 2007 at 2014.

ACIRC

ANG

BASKETBALL WORLD CUP

BRON JAMES

CLEVELAND CAVALIERS

COACH

COACH K

COLANGELO

GREGG PO

IGINIYA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with