Asi may ibubuga pa
MANILA, Philippines – Nagbakasyon si Fil-Tongan Asi Taulava matapos tulungan ang Gilas Pilipinas sa kampanya sa nakaraang Jones Cup sa Taiwan at sa FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
Ayon kay NLEX coach Boyet Fernandez, nawala sa kanyang game shape ang 6-foot-9 na si Taulava.
Sa kabila nito, ipinakita pa rin ng 42-anyos na ve-teran center ang kanyang determinasyon nang tulungan ang Road Warriors sa 90-86 panalo kontra sa Blackwater Elite sa PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Kumolekta si Taulava ng 19 points kasama ang apat na free throws sa dulo ng fourth quarter at 12 rebounds para sa unang panalo ng NLEX.
“It was a tough game,” sabi ni Fernandez. “Sean (Anthony) stepped up in the fourth, Asi made his free throws, and our defense held up.”
Mula sa nine-point advantage ng NLEX, 59-50 sa 2:34 minuto ng third quarter, naghamon ang Blackwater sa 84-85 mula kina rookie Keith Ago-vida at Reil Cervantes sa huling 51 segundo.
Ang apat na free throws ni Taulava ang muling nag-layo sa Road Warriors sa 89-86 sa natitirang 19 segundo.
NLEX 90 -- Taulava 19, Enciso 15, Anthony 14, Borboran 10, J. Villanueva 8, Apinan 6, Cardona 5, Reyes 5, Alas 4, Khobuntin 4, Arboleda 0.
Blackwater 86 -- Agovida 15, Reyes 13, Cervantes 12, Ballesteros 10, Lastimosa 7, Gamalinda 6, Sena 6, Cortez 5, Canada 3, Erram 2, Golla 2, Bulawan 0, Vosotros 0.
Quarterscores:17-26; 41-42; 60-59; 90-86.
- Latest