^

PM Sports

Kobe Bryant out na sa NBA preseason

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sumabak si Kobe Bryant sa unang apat na preseason games ng Los Angeles Lakers at ipinakita ang ilang magagandang galaw sa pagnanais niyang maipagpag ang kalawang sa kanyang laro.

Halos hindi nakalaro si Bryant sa nakaraang dalawang seasons ng NBA dahil sa injury.

Sa pang-lima niyang laro sa preseason ay nagkaroon siya ng bruised calf na maaaring magpaupo sa kanya hanggang matapos ang preseason bilang pag-iingat na din ng Lakers sa kanilang superstar.

Ngunit handa siya kapag kakailanganin siya ng Lakers, ayon kay coach Byron Scott.

“To be honest with you, [Bryant] probably won’t play [Monday],” wika ni Scott matapos ang kanyang ensayo. “I’d rather get him close to 100 percent as possible. These games don’t mean anything right now. It’s really giving me a chance to look at these young guys anyway.”

Sinabi ni Scott na maaaring hindi na maglaro si Bryant sa preseason.

May dalawa pang natitirang laro ang Lakers laban sa Golden State Warriors sa Lunes at sa Huwebes.

“There’s a chance,” ani Scott. “I’m not going to put a percentage on it, but there’s a chance….”

Ngunit kumpiyansa si Scott na maglalaro si Bryant sa regular-season opener ng Lakers sa Oct. 28 laban sa Minnesota Timberwolves sa Staples Center.

Ang pagpapahinga sa kanya ang mas mabuting gagawin ng Lakers kagaya ng ginagawa ng mga koponan para sa mga kamador nila.

Isang halimbawa na dito ay si LeBron James na hindi pinaglalaro ng Cleveland Cavaliers sa preseason.

ACIRC

ANG

BRYANT

BYRON SCOTT

CLEVELAND CAVALIERS

GOLDEN STATE WARRIORS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MINNESOTA TIMBERWOLVES

NGUNIT

STAPLES CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with