^

PM Sports

Languido, Tabal nanguna sa Gen-San Milo Marathon

Pang-masa

GENERAL SANTOS CITY, Philippines – Muling ipinakita ni Milo Marathon Queen at SEA Games medalist Mary Joy Tabal ang kanyang dominasyon sa local marathon.

Naglista  si Tabal ng tiyempong 01:21:42 para iwanan sina Mona Liza Ambasa (01:35:03) at Noemi Andrea Galeos (01:52:44) sa 21-kilometer event ng National Milo Marathon qualifying leg dito.

Hangad ng 26-anyos na Cebuana na maidepensa ang kanyang korona sa darating na Milo National Finals.

Pinagharian naman ni Juneil Languido ang men’s division nang magsumite ng oras na 01:14:04 para talunin sina Elmer Bartolo (01:16:47) at Gilbert Maluyo (01:20:42).

Sina Tabal at Languido ay kapwa nagbulsa ng premyong P10,000 at tiket para sa 2015 National Milo Marathon Finals sa Disyembre 6 sa Angeles, Pampanga.

Ang hihiranging Milo Marathon King at Queen titles ay ipapadala sa United States para sa tsansang makalahok sa 2016 Boston Marathon.

Ito ang ikatlong pagkakataon na naghari ang 31-anyos na si Languido sa General Santos City leg.

Mula sa General Santos City ay dadalhin ang Milo qualifying legs sa Davao (November 8), Butuan (November 15) at Cagayan De Oro (November 22).

ANG

BOSTON MARATHON

CAGAYAN DE ORO

ELMER BARTOLO

GENERAL SANTOS CITY

GILBERT MALUYO

JUNEIL LANGUIDO

LANGUIDO

MARY JOY TABAL

MILO MARATHON KING

MILO MARATHON QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with