^

PM Sports

Lopez-Perez kampeon sa ITF Men’s Futures 2

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Spaniard Enrique Lopez-Perez kung bakit siya ang top seed nang kanyang makopo ang singles title matapos igupo si third seed Kento Takeuchi  ng Japan, 7-6 (4), 6-4 kahapon sa pagtatapos ng  34th Philippine Columbian Association Open- ITF Men’s Futures 2 sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Sinandalan ng malakas pumalong si Lopez-Perez,   highest ranked player sa torneong ito bilang No.  378 sa buong mundo, ang kanyang solid baseline game at impresibong court coverage para tabunan ang kanyang masamang serving na nagresulta sa ilang double faults upang makopo ang kanyang ikalawang ITF title ngayong taon matapos manalo sa Chandigarh, India noong March.

Nakaganti rin ang 24-gulang na si Lopez-Perez kay Takeuchi matapos lumasap ng  6-2, 1-6, 4-6 pagkatalo sa semifinals ng Manila ITF Men’s Futures 1.

“I lost my confidence because of the double faults,” sabi ni Lopez-Perez na nag-uwi ng $2,160, “Good thing I decided to play my game and let him (Takeuchi) chase balls.”

Nagbulsa naman ng $1,272 ang runner-up na si Takeuchi  sa torneong ito kung saan nakopo ng mga local standouts na sina Francis Casey Alcantara at eight-time PCA Open titlist Johnny Arcilla ang doubles crown kamakalawa.

ACIRC

ANG

FRANCIS CASEY ALCANTARA

JOHNNY ARCILLA

KENTO TAKEUCHI

LOPEZ-PEREZ

NBSP

PHILIPPINE COLUMBIAN ASSOCIATION OPEN

PLAZA DILAO

SPANIARD ENRIQUE LOPEZ-PEREZ

TAKEUCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with