Viloria ‘di umubra
MANILA, Philippines – Hindi umubra ang pagiging world two-division champion ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria laban kay Nicaraguan flyweight king Roman ‘Chocolatito’ Gonzalez.
Matapos pabagsakin sa third round ay idiniretso ni Gonzalez ang kanyang dominasyon kay Viloria para kunin ang ninth-round TKO (technical knockout) win at mapanatiling suot ang World Boxing Council flyweight title kahapon sa Madison Square Garden sa New York City.
Nakipagsabayan ang 34-anyos na si Viloria sa unang dalawang round ng kanilang 12-round title match ni Gonzalez na nagsibling main undercard sa Gennady Golovkin-David Lemieux middleweight championship bout.
Isang solid right ni Gonzales sa panga ni Viloria ang nagpabagsak sa Fil-American sa third round.
Nakabangon si Viloria ngunit nawala na ang kanyang pamatay na porma at matibay na determinasyon para mu-ling humawak ng isang world boxing crown.
Nirapido ng 28-an-yos na si Gonzalez ang dating Olympian hanggang itigil ni referee Beniy Esteves, Jr. ang laban sa 2:53 minuto ng ninth round.
Ito ang ika-44 sunod na panalo ni Gonzalez (44-0, 38 KOs), habang nalasap ni Viloria (36-5, 22 KOs) ang kanyang pang-limang pagkatalo.
Ayon sa Compubox, nakakonekta si Gonzales ng 315 mula sa pinakawalan niyang 571 power punches kumpara sa 161-of-460 ni Viloria. (RC)
- Latest