Alyssa, Kristeta, Jinkee muse sa PBA opening bukas
Laro Bukas (Smart Araneta Coliseum)
3 p.m. opening ceremonies
5:15 p.m. Rain or Shine vs Star
MANILA, Philippines – Kumpleto na ang mga muse para sa 12 koponan na sasalang sa makulay na opening ceremonies ng PBA Commissioner’s Cup bilang pambungad ng 41st season ng Philippine Basketball Association bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Paparada para sa Talk ‘N Text si volleyball superstar Alyssa Valdez ng Ateneo Lady Eagles, habang itatampok ng Star si Kris Aquino at ang asawa ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao na si Jinkee para sa Mahindra (dating Kia).
Maliban kay Valdez, ang isa pang volleyball star na paparada bilang muse ay si Fil-American Alexa Micek, naglalaro sa PSL Super Liga para sa Petron Blaze Spikers, na kinuha ng San Miguel.
Ang mga artistang sina Arci Muñoz, Max Collins, Karylle, Eula Caballero at Jessica Helterbrand ay ipaparada ng Barangay Ginebra, Blackwater, Globalport, Meralco at Barako Bull, ayon sa pagkakasunod.
Ang ‘Dubsmash Queen’ na si Yaya Dub (Maine Mendoza) ang unang tinarget ng Gin Kings bilang muse.
Ang 2014 Miss Universe Philippines winner na si MJ Lastimosa ang mangunguna sa NLEX sa parada.
Si Julee Anne Bourgoin, ang hinirang na 2015 Mutya ng Pilipinas first runner-up, ang hinugot ng Rain or Shine matapos si 2014 Mutya ng Pilipinas Tourism International Glennifer Perido noong nakaraang season.
Tatlong muse naman ang kinuha ng Alaska at ito ay ang magkakapatid na sina Tara, Samantha at Franchezka Borlain.
Ang 12-anyos na si Tara ay isang five-time Alaska Ironkids Triathlon champion.
- Latest