^

PM Sports

Negosasyon kay Khan, buhay pa: Bradley kasali na rin sa gulo

Pang-masa

CARSON, California – Taliwas sa mga napaulat, sinabi ni Top Rank chief Bob Arum na malapit na niyang maplantsa ang laban ni Amir Khan kay Manny Pacquiao.

“We’re getting very, very close to making a deal with Amir,” sabi ni Arum mula sa kanyang Las Vegas home.

Kamakalawa ay sinabi ng 28-anyos na si Khan na hindi na siya interesadong labanan si Pacquiao dahil ibinibitin ng Filipino superstar ang negosasyon.

Ayon sa ilang ulat, plano ni Pacquiao na gawin ang rematch nila ni Floyd Mayweather Jr.

Nagulat naman si Arum sa pahayag ni Khan.

“What the hell is he (Khan) talking about? His lawyer calls me every day. This is nonsense. I talk to his uncle and his lawyer. I talked to them yesterday,” ani Arum.

Idinagdag ng Top Rank big boss na maaa-ring hindi nalalaman ni Khan ang nangyayari.

Nakausap ni Arum si Pacquiao sa New York at natalakay ang susunod na laban nito sa 2016.

“We’re figuring out who the opponent will be and where the fight will take place. But we don’t know yet. Right now were talking to Amir Khan,” wika ni Arum.

Bukod kay Khan, ang iba pang nasa listahan ni Arum ay sina Terence Crawford, Viktor Postol at dumagdag na rin si Timothy Bradley, may 1-1 record kay Pacquiao.

“We’re waiting for the outcome of the Bradley versus (Brandon) Rios fight on November 7. We will watch Terence Crawford’s fight next week. Then there’s the possibi-lity that we might want to fight Viktor Postol,” sabi ni Arum.

“If Bradley beats Rios we’re considering Bradley,” dagdag pa nito.

Inalis na din ni Arum sa listahan si Juan Manuel Marquez.

“Marquez it looks like is not going to be available,” sabi ng promoter.

vuukle comment

ACIRC

AMIR KHAN

ARUM

BOB ARUM

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER JR.

IF BRADLEY

PACQUIAO

TERENCE CRAWFORD

TOP RANK

VIKTOR POSTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with