^

PM Sports

Sa kanyang laban versus Alejo Nietes handang-handa na

Pang-masa

CARSON, California – Apat na araw bago ang laban, handa na ang kampo ni Nietes kaya magaan na lamang ang kanilang training sa Wild Card Gym sa Hollywood.

“Ready na tayo,” sabi ni Nietes, ang WBO light-flyweight champion pagkatapos ng magaang  90-mi-nute training nitong Martes ng hapon.

Ang kanyang kalaban na si Juan Alejo ng Mexico ay dumating ng umaga at handa na rin para sa laban sa Sabado sa the StubHub Center.

Ayon kay Nietes, marami na siyang napanood na video ni Alejo sa Youtube.

“Napanood ko na. Hindi nakakapagod kalaban. Nakatayo lang. Naghihintay mag-counter,” sabi ni Nietes.

Tinanong si Nietes kung kailangan niya ng tulong. “Pabayaan niyo ako. Ako na muna,” aniya habang sinusuntok ang heavy bag.

Tinapos ni Nietes ang mabigat na training nitong weekend sa pamamagitan ng ilan pang rounds ng sparring laban kay Filipino-American Brian Viloria  na may naka-schedule din na laban sa Linggo.

Ikatlong pagkakataon ito na magka-sparring sina Nietes at Viloria.

“Malaking tulong sa akin yung sparring sessions,” ani Nietes.

Ang title fight ni Nietes at Alejo ang tampok sa Pinoy Pride 33 “Philippines vs the World” sa StubHub Center.

May laban din sina  Albert at Jason Pagara at Mark Magsayo laban sa mga boxers mula sa Nicaragua at Mexico.

Ayon kay Coach Edito Villamor na handa na lahat ang mga boxers sa kanilang laban.

vuukle comment

ACIRC

ALEJO

ANG

AYON

COACH EDITO VILLAMOR

FILIPINO-AMERICAN BRIAN VILORIA

JASON PAGARA

JUAN ALEJO

LABAN

MARK MAGSAYO

NIETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with