^

PM Sports

Nakatutok lahat sa San Miguel

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa paghahari sa dalawa sa nakaraang tatlong komperensya, ang San Miguel ang ikinukun-siderang ‘team-to-beat’ sa darating na PBA Phi-lippine Cup na magbubukas sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang nagkakaisang opinyon ng mga team governors sa isinagawang press conference kahapon sa Diamond Hotel.

“I admit ‘yung pressure nasa amin because we have won two championships last season,” wika ni PBA chairman Robert Non, ang Go-vernor ng San Miguel. “Excited naman ‘yung team sa ipinapakita nila sa mga practice namin.”

Iginiya ni coach Leo Austria ang Beermen sa kampeonato ng nakaraang PBA Philippine Cup at Governor’s Cup.

Umaasa si Non na makakapaglaro kaagad ang mga may injury na sina back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo at Marcio Lassiter.

Ang San Miguel at Talk ‘N Text ang dapat katakutan sa darating na PBA Philippine Cup, ayon kay Barangay Ginebra Governor Alfrancis Chua.

“It’s still San Miguel and Talk ‘N Text because of San Miguel’s two championships last season and the two top draft picks of Talk ‘N Text,” ani Chua.

Ipaparada ng Tropang Texters ni coach Jong Uichico sina 6-foot-8 Fil-Tongan Moala Tautuaa at 6’6 Jeth Troy Rosario, ang No. 1 at No. 2 overall picks, ayon sa pagkakasunod, sa nakaraang PBA Rookie Draft.

“In my opinion it’s really San Miguel and Talk ‘N Text,” wika naman ni Rene Pardo ng Star Hotshots.

Sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup sa Linggo ay magtatagpo ang Hotshots at ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5:15 ng hapon matapos ang opening ceremonies sa alas-3 sa Smart Araneta Coliseum.

Makakaharap naman ng Beermen ang Globalport Batang Pier para sa kanilang unang laro sa Oktubre 24 sa Davao City.

Mas mauuna namang mapapanood sina Tautuaa at Rosario, miyembro ng training pool ng Gilas Pilipinas, sa pagsagupa ng Tropang Texters sa Alaska Aces sa Oktubre 23 sa Big Dome.

vuukle comment

ACIRC

ALASKA ACES

ANG

ANG SAN MIGUEL

BARANGAY GINEBRA GOVERNOR ALFRANCIS CHUA

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL AND TALK

SMART ARANETA COLISEUM

TROPANG TEXTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with