^

PM Sports

‘Ant Man’ hinirang na NCAA Player of the Week

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – May matandang ka­sa­bihan na ang maliit ay nakakapuwing.

Ito ay pinatotohanan ni 5-foot-5 Mark Cruz ng Letran Knights nang hirangin bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.

Sa pagbibida ni Cruz ay nadakma ng Knights ang isang tiket sa Final Four kasama ang mahalagang ‘twice-to-beat’ incentive.

Sa 93-64 pagsibak sa University of Perpetual Help, kumamada si Cruz ng 15 sa kanyang 18 points sa first half para simulan ang pag­layo ng Letran.

Tuluyan nang inali­san ng Knights ng pag-asa ang Altas nang ilista ang malaking 50-26 advantage patungo sa kanilang panalo.

Nagdagdag si Cruz ng 8 assists.

Ito ang ikalawang pagkakataon na kinilala ang kahusayan ni Cruz ngayong season.

“Mas aggressive kami. Iyon ang naging storya ng game,” sabi ni Cruz.

“Sinabihan kami ni coach (Aldin Ayo) na coming from a loss kailangan namin mag bounce back and eto yung pinakita namin. We stayed together kahit natalo kami sa San Beda, ginawa namin yung game plan ni coach kaya ito ang na­ging resulta,” dagdag ng point guard.

Ngunit ang pinakatampok sa laro ay nang lapitan ni Cruz si pro-bound Earl Scottie Thompson ng Perpetual para damayan.

Bilang pagpapakita ng sportsmanship ay niyakap ni Cruz si Thompson, ang 2014 NCAA Most Valuable Player, at pinalakas ang loob.

“Sabi ko great effort pa rin. Pumanig lang rin yung shooting sa amin. Mas maganda ‘yung field goals namin, nakita ko rin naman kasi ‘yung effort niya eh. Sinabi ko rin na good luck sa PBA career niya,” sabi ni Cruz.

Tinalo ni Cruz para sa weekly honor si Josan Nimes at Darell Menina ng Mapua at si Paolo Pontejos ng Jose Rizal.

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

CRUZ

DARELL MENINA

EARL SCOTTIE THOMPSON

FINAL FOUR

ITO

JOSAN NIMES

JOSE RIZAL

LETRAN KNIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with