^

PM Sports

Huling twice-to-beat ticket inangkin ng Letran Knights

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Perpetual Help ang No. 1 defensive team ngayong season ngunit hindi nila napigilan ang matibay na determinasyon ng Letran College.

Inilampaso ng Knights ang Altas, 93-64 para pormal na angkinin ang ikalawang tiket sa Final Four ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Kasabay ng pagpitas ng Letran sa silya sa Final Four mula sa kanilang 13-5 kartada katabla ang five-peat champions na San Beda ay tuluyan namang nasibak ang Perpetual sa bisa ng kanilang 11-7 record.

Pag-aagawan ng Red Lions at ng Knights, kapwa may bitbit na ‘twice-to-beat’ incentive sa Final Four, ang No. 1 berth.

Binuksan ng Letran ang laro sa pamamagitan ng 12-0 atake bago ibaon ang Perpetual sa 72-40 sa huling 17 segundo sa third quarter mula sa basket ni Kevin Racal.

Sumikwat naman ng playoff berth sa Final Four ang Jose Rizal Heavy Bombers at ang Mapua Cardinals nang pabagsakin ang sibak nang San Sebastian Stags, 91-69 at ang talsik nang Emilio Aguinaldo College Generals, 88-63, ayon sa pagkakasunod.

Dahil dito ay nakuha ng Heavy Bombers ang No. 3 spot, samantalang paglalabanan ng Chiefs at ng Cardinal ang No. 4 seat.

Umiskor si Paolo Pontejos ng 12 sa kanyang 23 points sa second period para sa pang-anim na sunod na arangkada ng Heavy Bombers ni coach Vergel Meneses.

JOSE RIZAL 91 - Pontejos 23, Estrella 11, Balagtas 8, Lasquety 6, Cruz 6, Teodoro 6, Grospe 6, Sanchez 5, Poutouochi 5, Abdul Wahab 4, Dela Paz 3, Dela Virgen 3, David 3, Astilla 2.

San Sebastian 69 - Guinto 14, Calisaan 13, Ortuoste 10, Bulanadi 7, Pretta 6, Sibal 5, Santos 4, Fabian 4, Costelo 3, Capobres 3.

Quarterscores: 23-17; 43-38; 68-56; 91-69.

MAPUA 88 - Oraeme 16, Menina 14, Brana 14, Nimes 13, Nieles 12, Isit 11, Biteng 3, Serrano 3, Aguirre 2.

EAC 63 - Onwubere 21, Hamadou 11, Munsayac 8, Diego 8, Mejos 5, Bonleon 2.

Quarterscores: 15-14; 41-38; 61-50; 88-63.

LETRAN 93 - Cruz 18, Racal 15, Luib 10, Publico 10, Balanza 8, Quinto 8, Sollano 6, Nambatac 6, Gedaria 5, Bernabe 3, Apreku 2, Balagasay 2.

Perpetual Help 64 - Eze 24, Akhuetie 13, Thompson 7, Pido 6, Dizon 5, Daga-ngon 4, Oliveria 2, Coronel 2, Ylagan 1.

Quarterscores: 21-10; 50-26; 72-42; 93-64.

 

ABDUL WAHAB

ANG

ANG PERPETUAL HELP

CRUZ

DELA PAZ

DELA VIRGEN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

QUARTERSCORES

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with