MVP tutulong pa rin kahit ‘di na opisyal ng SBP
MANILA, Philippines - Hindi magiging hadlang para kay Manny V. Pangi-linan ang kawalan ng puwesto sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para ipagpatuloy ang pagsuporta sa programa ng basketball sa bansa sa susunod na taon.
“Our group is committed to Philippine basketball and we will continue to support the program in whatever way,” wika ni Pangilinan sa pulong-pambalitaan matapos ang isinagawang SBP board meeting kahapon sa PLDT office sa Makati City.
Napagkasunduan sa pagpupulong na isagawa sa Enero ang Special board meeting para maghalal ng bagong pangulo ng SBP.
Si Pangilinan at 12 iba pang board members ay naninilbihan sa pamamagitan ng ‘holdover capacity’ dahil ang kanilang termino ay natapos na noong Pebrero 25. Ngunit hindi nakapagdaos ng halalan dahil naging abala ang NSA sa FIBA World Cup bidding at sa preparasyon ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia sa Changsa, China.
Kasama sa pangakong tulong ni MVP ay sakaling magdesisyon ang bagong administrasyon na magpadala ng koponan sa World Olympic qualifying event sa Hulyo.
Nilinaw pa ng businessman/sports patron na hindi niya tinututulan na sumali ang Gilas Pilipinas sa hu-ling qualifying event para sa Rio Olympics ngunit nais niya na palakasin muna ang koponang nanalo ng pilak sa FIBA Asia sa Changsa, China.
“Dapat intindihin na ang mga makakalaban natin sa July are strong basketball nations like Serbia, Greece, Puerto Rico, France etce-tera. Matibay talaga ang mga kalaban natin doon and the chance of sending the same team is rather slim.”
Wala mang puwesto sa susunod na administrasyon ay kasama pa rin si MVP sa mga pagpupulong dahil itinalaga ng board si MVP bilang ‘Chairman Emeritus’ .
- Latest