^

PM Sports

Bulls maghihintay uli sa pagbabalik ni Rose

Pang-masa

CHICAGO -- Nalagay na naman sa pamilyar na sitwasyon ang Chicago Bulls kaugnay sa muling paghihintay kay Derrick Rose mula sa operasyon.

Ngayon ay ang socket ng kaliwang mata ang injury ni Rose at hindi ang kanyang mga tuhod.

Sumailalim si Rose sa surgery para ayusin ang kaliwang orbital fracture isang araw matapos masiko ng kanyang kakampi sa kanilang team practice.

Sinabi ni coach Fred Hoiberg na ang operas-yon kay Rose ay ginawa sa Rush University Medical Center sa Chicago at idinagdag na inaasahang muli siyang mag-eensayo sa susunod na dalawang linggo bago ang Oct. 27 opener laban sa Cleveland Cavaliers.

“It’s unfortunate that he won’t be able to be a part of most of training camp and preseason,’’ sabi ni Bulls center Pau Gasol kay Rose. “It’s useful time for any team, to get teams on track, set the foundation for the new season - especially with a new philosophy, new coach.’’

Ayon pa kay Hoiberg, maaaring lumahok si Rose sa kanilang mga team practices at obserbahan ang kanilang mga ginagawang estratehiya.

“We don’t know how much he’ll be able to do even while he’s in reco-very mode, but he still will be here, learning,’’ ani Hoiberg. “So we’ll go as expected as far as putting our stuff in. We added a few new actions today and guys seemed to be picking things up well.’’

Nakuha ng 2011 NBA MVP ang injury matapos ang kanyang baseline drive sa kanilang practice.

Sinabi ni Dr. Christine Nelson, isang eye specialist at professor sa University of Michigan Health System at hindi hinahawakan ang kaso ni Rose, na palagi niyang inirerekomenda sa kanyang mga pasyente ang anim na linggong pahinga sa mga aktibidad dahil baka muling magkaroon ng eye injury.

Ngunit nilinaw niya na ang mga atletang gustong kaagad makabalik sa paglalaro ay mas maingat at maaaring magsuot ng face mask o goggles.

 

ACIRC

ANG

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

DERRICK ROSE

DR. CHRISTINE NELSON

FRED HOIBERG

HOIBERG

PAU GASOL

ROSE

RUSH UNIVERSITY MEDICAL CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with