Chiefs winalis ang Red Lions
MANILA, Philippines - Sa likod ni point guard Jio Jalalon ay diniskaril ng Arellano University ang hangarin ng San Beda College.
Tumapos si Jalalon na may game-high na 25 points para ihatid ang Chiefs sa 91-72 paggiba sa five-peat champions na Red Lions para patibayin ang paghahabol sa tiket sa Final Four sa 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nagsosyo ang Arellano, Perpetual Help at Jose Rizal sa ikatlong puwesto sa magkakatulad nilang 11-6 record.
Nauna nang nagmula ang Chiefs sa 76-81 pagkatalo sa Mapua Cardinals noong Setyembre 18 at sa 81-87 kabiguan sa Letran Knights noong nakaraang Biyernes.
Ang Arellano ang naging kauna-unahang koponang nagwalis sa San Beda sa elimination round matapos si Calvin Abueva at ang San Sebastian Stags noong 2012.
Ipinagkait din ng Chiefs sa Red Lions ang pagsakmal sa Final Four berth kasama ang ‘twice-to-beat’ advantage.
Sa kabila ng pagkatalo ay may tsansa pa rin ang San Beda na magawa ito sa pamamagitan ng panalo sa Letran sa Martes.
Sa unang laro, humakot si Gerard Castor ng 14 points, 9 rebounds at 2 steals para pagbidahan ang 59-56 pagtakas ng sibak nang St. Benilde Blazers kontra sa talsik nang Lyceum Pirates.
Sa juniors’ division, tinalo naman ng San Beda Red Cubs ang Arellano Braves, 80-76 para ilista ang 17-0 marka.
ARELLANO 91 - Jalalon 25, Enriquez 15, Meca 11, Holts 10, Salado 10, Gumaru 9, Cadavis 6, Nicholls 5, Capara 0, Banga 0, Ongolo 0, Ortega 0, De Guzman 0, Zamora 0, Tano 0.
San Beda 72 - Adeogun 17, Dela Cruz 10, Mocon 8, Soberano 7, Koga 6, Tankoua 6, Tongco 6, Amer 4, Reyes 2, Bonsubre 2, Presbiterio 2, Sorela 2, Cabanag 0, Sara 0, Sedillo 0.
Quarterscores: 27-18; 48-37; 73-56; 91-72.
- Latest