May tsansa ang Gilas base sa statistics
CHANGSHA – Hinirang ang Gilas Pilipinas bilang No. 2 team sa scoring at rebounding at No. 5 sa three-point shooting na siyang naging dahilan ng pag-upo nila sa top spot sa Group E sa preliminary stage ng 2015 FIBA Asia Championship dito.
Nagposte ang Nationals ng mga averages na 90.5 points at 49.0 rebounds a game sa ilalim ng No. 1 Iran na nagtala ng 95.7 points at 50.5 rebounds, ayon sa pagkakasunod.
Tumirada ang mga Filipino ng 36.2-percent shooting, ang pang-limang pinakamahusay sa hanay ng 16 koponan sa prelims sa ilalim ng Koreans (40.7), Lebanese (39.3), Taiwanese (39.2) at Chinese (37.6).
Sa kabuuan ay maganda ang mga numero ng Gilas bilang isang koponan at may pag-asang makuha ang slot sa Rio Olympics
Kung individual stats naman ang pag-uusapan ay walang isa mang Filipino player na napabilang sa top five ng anumang pangunahing stats department sa preliminary round.
Magkatabla sa No. 8 sina Andray Blatche at Jayson Castro sa scoring sa magkatulad nilang average na 16.2 points a game.
Sina Sani Sakakini ng Palestine at Amjyot Singh ng India ang joint scoring leaders sa kapareho nilang 23.0 points per game kasunod si Palestinian Jamal Shamala (21.1), Clinton Johnson (20.6) ng Qatar, Jay Youngblood ng Lebanon, Alex Legion ng Jordan at Yi Jianlian (17.5) ng China.
Kasunod niya si Joji Takeuchi ng Japan na may 12.2 rebounds.
Si Blatche ay No. 12 sa kanyang 8.0 per game at si Castro ay pumuwesto sa No. 11 sa kanyang 47.8-percent clip.
Ang pinakamahusay sa assists ay si Imad Qahwash (6.1) ng Palestine kasunod sina Donggeun (5.4), Indian Vishesh Bhriguvanshi (4.8), Kazakh Jerry Johnson (4.5) at Chinese Ailun Guo (3.8).
Kasalukuyang nilalabanan ng Gilas Pilipinas ang Lebanon habang isinusulat ito.
Samantala, pinabagsak naman ng Iran ang South Korea, 75-62, sa unang laro para angkinin ang unang tslot sa Final Four.
- Latest