^

PM Sports

Tigers susubukan ng Archers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Susukatin uli ang tikas ng UST Tigers sa pagharap sa La Salle Archers habang babangon mula sa pagkatalo ang Ateneo Eagles sa 78th UAAP men’s basketball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Galing ang Tigers sa impresibong 68-58 panalo sa Eagles sa hu-ling laro pero tiyak na bibigyan sila ng magandang laban ng Archers sa larong magsisimula sa ganap na ika-4 ng hapon.

Sa ganap na ika-2 ng hapon ay magtutuos muna ang Eagles at Maroons at kailangan ng tropa ni coach Bo Perasol na manalo para manatiling okupado ang ikatlong puwesto.

May 3-2 baraha ang Eagles at kasalo ang Archers ay puwede silang makatabla sa ikalawang puwesto kung mananaig sila at mananalo rin ang La Salle sa UST para sa magkakatulad na 4-2 karta.

Aasa ang Eagles na magiging consistent ang kanilang opensa dahil ang Maroons ay determinado na wakasan ang tatlong sunod na kabiguan matapos ang 2-0 panimula.

Nasayang ang malakas na panimula ng Ateneo sa UST nang magtala ng nakakadismayang 1-of-17 shooting sa huling yugto.

May 2-game winning streak ang Archers at aminado si coach Juno Sauler na mahirap na kalaban ang UST na gustong makasalo ang pahingang FEU Tamaraws sa liderato (5-1).

“You saw what they did to Ateneo. We have to be prepared,” pahayag ni Sauler.

Si Jeron Teng na naghahatid ng 18.2 puntos, 7 rebounds at 3 assists kada laro ang mamamahala sa opensa pero malaking papel ang lalaruin nina Julian Sargent at Joshua Torralba para mapigilan ang mga kamador ng Tigers sa pangunguna ni Kevin Ferrer na gumawa ng 27 puntos sa panalo sa Ateneo. (AT)

ANG

ATENEO

ATENEO EAGLES

BO PERASOL

JOSHUA TORRALBA

JULIAN SARGENT

JUNO SAULER

KEVIN FERRER

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

MALL OF ASIA ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with