Kayang-kayang talunin ang Iran
Biglang tumaas ngayon ang tiwala sa kakayahan ng Gilas Pilipinas matapos ang malaking tagumpay kontra sa Iran kahapon sa FIBA-Asia championship.
Ang malaking panalong ito ng Gilas na paghihiganti sa kanilang pagkatalo sa Iran sa Finals noong 2013 Manila FIBA-Asia ay napakalaking morale booster para sa Phl team para maabot ang target na ticket sa 2016 Rio Olympics.
Masasabi nating nakaganda nga ang nalasap na pagkatalo ng Gilas kontra sa Palestine sa kanilang opening game sa torneong ito na nagsisilbing qualifying tournament para sa mga Asian countries sa Olympics na gagawin sa Rio de Jainero sa Brazil sa susunod na taon.
Marami silang leksiyong natutunan sa naturang pagkatalo na itinuturing na isang napakalaking upset considering na ang Palestine ay walang hilig sa basketball na hindi pa nila gaanoong gamay.
Sunud-sunod ang panalo ng Gilas matapos mapahiya sa Palestine at ngayon nga ay naiba-ngon na nila ang kanilang sarili sa panalo sa Iran.
Kakaibang Gilas ang nakita sa laban kontra sa Iran pero special mention kina Jayson Castro, Terrence Romeo, Calvin Abueva at Andray Blatche.
- Latest