Spikers’ Turf Post Mortem Ateneo paboritosa UAAP volleyball
MANILA, Philippines – Inilagay ng Ateneo Blue Eagles ang sarili bilang paborito para mapanalunan ang 78th UAAP men’s volleyball na magsisimula sa Pebrero sa susunod na taon.
Ginawa ito ng Eagles matapos walisin ang kompetisyon sa Spikers’ Turf Collegiate Conference at ang kanilang hiniya sa dalawang sunod na laro ay ang National University Bulldogs. Matapos ang 13 laro ay hindi nakatikim ng kabiguan ang Ateneo.
Ang Eagles ang siyang nagdedepensang kampeon sa UAAP at ang dinaig din nila para sa kampeonato noong nakaraang taon ay ang Bulldogs.
Ngunit agad na nagbi-gay ng paalala ang kanilang coach na si Oliver Almandro na iba ang kompetishon sa UAAP at sa Spikers’ Turf na inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.
Ipinaunawa niya na iba ang pakiramdam ng isang manlalaro kapag ang ipinaglalaban ay ang kanyang paaralan kaya’t walang dahilan para magkumpiyansa ang Eagles sa haharaping panibagong labanan.
“We still have to work hard if we want to remain champion in the UAAP. But the experience they had will help our drive,”wika ni Almandro.
Sa nasabing liga tuluyang lumabas ang ga-ling ni Marck Espejo nang siya ang kumamada sa halos lahat ng laro.
Pero hindi naman nagpapahuli ang ibang kakampi na magandang senyales na sa UAAP ay magiging malalim uli ang arsenal ng koponan.
Bago ang men’s volleyball ay masisilayan muna uli si Espejo sa pagkampanya sa men’s beach volleyball na bubuksan na sa susunod na buwan Sands by the Bay sa MOA.
Sa kabilang banda, ang pagkatalo ng NU ay tiyak na gagamitin nila bilang motibasyon para mas gumanda ang kampanya sa UAAP.
Tiyak din na hindi na manganganay ang ibang manlalaro ng Bulldogs tulad nina Bryan Bagunas at Ricky Marcos na mga baguhan pero nakitaan ng galing sa liga. (AT)
- Latest