Gusto nang makasiguro ng Altas
MANILA, Philippines – Nakawala sa mga kamay ng Perpetual Altas ang pagkakataong maisubi ang isang playoff seat para sa tiket sa Final Four nang matalo sa Jose Rizal Heavy Bombers noong nakaraang Biyernes.
Sa pagharap sa sibak nang San Sebastian Stags, kumpiyansa si coach Aric Del Rosario na maisasakatuparan nila ang naturang layunin.
“Nagkaroon kami ng tsansa laban sa Jose Rizal, pero hindi naman sinamantala ‘yung pagkakataon,” sabi ni Del Rosario sa kanyang Perpetual na sasagupa sa San Sebastian nga-yong alas-2 ng hapon sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Tanging ang five-peat champions na San Beda Red Lions at Letran Knights ang nakakuha ng playoff para sa dalawa sa apat na semifinals berth mula sa magkatulad nilang 12-4 record.
Nanggaling ang Altas sa 60-62 pagkatalo sa Heavy Bombers kung saan nalimitahan si pro-bound Earl Scottie Thompson sa 12 points mula sa malamyang 11-of-15 fieldgoal shooting.
Hindi rin naiposte ng 6-foot-1 na si Thompson ang kanyang record na pang-walong triple-double nang magtapos sa 11 rebounds at 6 assists para sa Perpetual, kasaluku-yang may 11-5 marka.
Sa nasabi ring kabi-guan ay nalimitahan si 6’8 Nigerian import Bright Akhuetie sa 9 points.
Naniniwala naman si Jose Rizal coach Vergel Meneses na ang matibay nilang depensa ang magdadala sa kanila sa Final Four.
“Kailangang lumabas ang depensa namin dahil dito kami mana-nalo,” sabi ni Meneses sa pagharap ng Heavy Bombers sa sibak nang Lyceum Pirates nga-yong alas-4 ng hapon.
Kasosyo ng Heavy Bombers sa ikaapat na puwesto ang 2014 runner-up na Arellano Chiefs at Mapua Cardinals sa magkakatulad nilang 10-6 baraha.
Sumasakay ang Jose Rizal sa four-game winning streak kung saan ang huling dalawa nilang biniktima ay ang bigating Letran, 86-80, at Perpetual, 62-60.
- Latest