^

PM Sports

Hindi mangyayari ang All-Patrimonio finals

Pang-masa

MANILA, Philippines – Natakasan ng top seed na si Clarice Patrimonio ang mahigpit na labang ibinigay ng ‘di kilalang si Edilyn Balanga upang hatakin ang 6-2, 7-6 (5) panalo para muling magkaroon ng pag-asa sa titulo ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Bumangon ang 21-gulang na si Patrimonio mula sa 2-5 pagkakalubog sa second set sa pamamagitan ng kanyang mga impresibong returns para ipuwersa ang tiebreaker para ta-lunin si Balanga.

Ang panalo ay nagdala kay  Patrimonio sa championship round sa ikatlong pagkakataon na nangyari noong 2011 at 2013 kung saan natalo siya kay Marian Jade Capadocia 1-6, 7-5, 4-6.

May tsansang matapos na ang paghihintay ni Patrimonio sa titulo ngayon.

“I hope so,” sabi ng mahiyaing si  Patrimonio, ang reigning UAAP MVP na nag-aaral ng Hotel and Restaurant Management sa National U.

Susunod na makakaharap ni Patrimonio ang teenage sensation na si Maia Balce na siyang sumibak sa kanyang nakakatandang kapatid na si Christine 7-6 (4), 6-3.

Ang fourth-seeded na si Balce, ay nalamangan pa ng No. 7 na si Christine sa 1-3 sa tie breaker ngunit kumulapso ang 23-gulang na 2013 UAAP MVP  sanhi ng kanyang kabiguan.

“I was also a little frustrated but I didn’t show it. I was also patient especially in the second set when I was trailing,” sabi ni  Balce,  fourth year high school student sa St. Paul sa Pasig City.

Ang Patrimonio-Balce finals ay nakatakda nga-yong alas-11 ng umaga.

Susundan ito ng sagupaan nina defending men’s champion PJ Tierro at AJ Lim para sa titulo.

ACIRC

ANG

ANG PATRIMONIO-BALCE

BALCE

CLARICE PATRIMONIO

EDILYN BALANGA

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

MAIA BALCE

MARIAN JADE CAPADOCIA

NATIONAL U

PATRIMONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with