^

PM Sports

Pugad Lawin tangka ang Philracom Invitational

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pagtatangkaan ng premyadong Pugad Lawin ang unang malaking panalo sa taon sa paglahok sa 2015 Philracom Invitational Race sa Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang karera ay paglalabanan sa isang milyang distansya at siyam na iba pang kabayo ang magtatangka na mapagharian ang isa sa dalawang stakes races na paglalabanan sa araw na ito.

Ang iba pang kasali ay ang Barcelona, Breaking Bad, King Bull, Love To Death, Marinx, Narra, Never Cease, Spinning Light at Wo Wo Duck.

Pinatawan ng pinakamabigat na handicap weight na 59 kilos ang Pugad Lawin habang ang King Bull at Never Cease ang may sumunod na pinakamabigat na timbang sa 57 at 56 kilos.

Ang Love To Death naman ang bukod tanging imported horse na nakasama.

Itinataguyod ng Philippine Racing Commission (Philracom), may kabuuang P400,000.00 ang gantimpalang paglalabanan at ang mana-nalo ay maghahatid sa kanyang horse owner ng P240,000.00  unang premyo.

Tatanggap ang papangalawa ng P90,000.00 habang ang papangatlo at papang-apat ay mayroong P50,000.00 at  P20,000.00 ayon sa pagkakasunod.

Ang isa pang tampok na karera ay ang 2015 Philracom 2nd Leg Juvenile Fillies/Colts stakes na gagawin sa 1,200m distansya.

Sampung kabayo pero siyam ang opisyal na bilang dahil may isang coupled entry na kasali, ang maglalaban-laban para makopo ang P600,000.00 unang premyo mula sa P1 million kabuuang gantimpala.

Ang mga kasali ay ang Angela’s Magic, Gunga Din, He He He, Infinito, Killer Hook, Show The Whip, Spectrum, This Time at Homonhon Island at stable mate Subterranean River.

Tiyak na paborito ang Spectrum na pag-aari ni Atty. Narciso Morales at may lahing Golden Pharoah at Celestial Chess, dahil kampeon ito sa idinaos na PCSO 2YO Maiden Race at sa 1st leg ng serye na ginawa noong Hulyo at Agosto.

Ang winning breeder sa karerang ito ay mayroong P15,000.00 premyo habang ang papangalawa hanggang papang-apat ay maghahatid sa kanilang connections ng P225,000.00,  P125,000.00 at P50,000.00. (AT)

vuukle comment

ANG

ANG LOVE TO DEATH

BREAKING BAD

CELESTIAL CHESS

GOLDEN PHAROAH

GUNGA DIN

HE HE HE

HOMONHON ISLAND

KING BULL

NEVER CEASE

PUGAD LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with