^

PM Sports

Kampanya ng Philippine team nakasalalay kay Blatche

Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang maitutulong ni naturalized player Andray Blatche para sa paghahangad ng Gilas Pilipinas na makapag-laro sa 2016 Rio de Janeiro Olympics.

Ito ang nagkakaisang opinyon ng mga officials, coaches at players ng Team Philippines sa sasabak ng Nationals sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsa, China simula bukas.

“Andray Blatche is back and so the team is complete. You could sense the extreme high morale of the team,” wika ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan.

Kumpiyansa si dating Gilas coach Chot Reyes na ang isang Andray Blatche na nasa pamatay na porma ay matutulu-ngan ang Gilas na makapasok sa championship round sa Changsha.

Dalawang linggo matapos muling sumali sa ensayo ng Gilas ay halatang pumayat na si Blatche kung saan niya ipi-nakita ang matikas niyang outside shooting sa huling training nila sa Meralco Gym noong Linggo.

“His shots are falling in more. He’s better than couples of weeks ago, and he’s gonna get better,” wika ni coach Tab Baldwin.

“Andray is finally plunging into action in Asian basketball. We’ll see if anybody can stop him,” dagdag naman ni Ranidel de Ocampo sa nine-year NBA veteran na nagtala ng mga di-senteng numero noong 2014 World Cup at na-ging dominente sa Chinese league.

Nang tanungin kung ano ang pagkakaiba ng 2013 Gilas team at ng kasalukuyang national squad, isa lamang ang isinagot ni assistant coach Jong Uichico: “Dray.”

Ipinarada ng Gilas II si Marcus Douthit bilang naturalized player at natulungan ang Nationals sa kampanya bago nagkaroon ng injury sa semifinal game laban sa South Korea.

Nalampasan ng Nationals ang pag-upo ni Douthit kontra sa mga Koreans, 86-79 ngunit natalo sa powerhouse Iran, 71-85 sa titular game.

Isang back-to-the-basket operator, nagtala si Douthit ng 11.9 points, 9.4 rebounds at 1.6 assists per game noong 2013.

Isang mas bata, mas malakas na versatile player, tumipa naman si Blatche ng 21.2 points, 13.8 rebounds at 1.6 steals noong 2014 World Cup. (NB)

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

ISANG

JANEIRO OLYMPICS

JONG UICHICO

WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with