Ateneo volleybelles nakauna sa NU
Laro sa Sabado (The Arena, San Juan City)
12:45 p.m. – FEU vs UST (Game 2, battle-for-third sa V-League)
3 p.m. – EAC vs NCBA (Game 2, battle-for-third sa Spikers’ Turf)
MANILA, Philippines – Nagkulay asul ang The Arena sa San Juan City nang mamayagpag ang Ateneo sa National University sa pagsisimula ng championship round sa Shakey’s V-League at Spikers’ Turf Collegiate Conference kahapon.
Nagpasimula sa ma-garang laro ng Ateneo sa best-of-three series ay ang Lady Eagles na inangkin ang 25-19, 25-13, 25-21, straight sets panalo sa nawalan ng pangil na Lady Bulldogs.
Nanguna uli si Alyssa Valdez para sa Lady Eagles sa kanyang 20 puntos bukod sa anim na digs habang si Kim Gequillana ay mayroon pang 11 puntos para sa mahalagang 1-0 kalamangan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ng Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.
May 15 at 10 attack points sina Valdez at Gequillana para ibigay sa Ateneo ang 35-29 angat sa attack points. Tig-da-lawang blocks ang ginawa nina Valdez at Jhoanna Maraquinot para sa 7-4 abante at tig-tatlong aces pa ang ginawa nina Valdez at Amy Ahomiro tungo sa 9-2 dominasyon sa serve.
Si Myla Pablo ay mayroong 9 kills at 2 blocks para sa 11 puntos pero malamya ang ibang kakampi upang maramdaman ang di paglalaro ni Dindin Manabat na nasa Vietnam pa sa isang torneo.
Kinumpleto ng Eagles ang dominasyon sa NU sa kumbinsido ring 25-17, 25-18, 25-19 pangingi-babaw sa Spikers’ Turf.
Iginawad na rin kahapon ang individual awards at sina Valdez at Marck Espejo ang pinarangalan bilang Most Valuable Players (MVP) ng magkabilang liga. (AT)
- Latest