^

PM Sports

Tierro, Arcilla umusad

Pang-masa

MANILA, Philippines - ‘Di pinaiskor ni defending champion PJ Tierro si Philip Paradela, 8-0 para makausad sa third round ng 34th Philippine Columbian Association (PCA) Open-Cebuana Lhuillier Wildcard Event sa PCA Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Nagparamdam din si eight-time PCA titlist Johnny Arcilla nang kanyang igupo si Laurence Joy Obdina, 8-2 sa pagsisimula ng kanyang kampanyang mabawi ang titulo matapos ang masaklap na 7-6 (4), 7-6 (4), 2-6, 6-3 pagkatalo kay Tierro sa finals noong nakaraang taon.

Sunod na kalaban ni Tierro ang mananalo sa second round duel nina Gabby Gatchalian at Neil Tangalin habang haharapin ni Arcilla ang mananalo sa first round match nina Chris Justine Prulla at Betto Orendain.

Umusad din si fifth seed Rolando Ruel, Jr.  na nanalo kay Hans Asistio at ninth pick Marc Reyes na tinalo si Bernardine Siso gayundin si ITF juniors campaigner at fourth pick AJ Lim, Jr. na nanalo kay Rey Mayo sa parehong score na 8-1.

Nanalo rin sina Joel Atienza, Dheo Talatayod, Argil Lance Canizares, Arjohn Dela Cruz.

Ang mga finalists sa men’s singles at doubles champion ay may automatic berths sa main draw ng nalalapit na 2015 Manila International Tennis Federation (ITF) Men’s Futures Leg 2 sa October 2.

Ang mga matatalo sa quarterfinals and semifinals ay may outright spots sa qualifying round.

May kabuuang  P172,000 nakatayang premyo sa taong ito kung saan ang men’s single champ ay mag-uuwi ng P50,000 habang P25,000 naman sa runner-up

Ang ladies singles titlist at runner-up ay tatanggap naman ng P20,000 ant P10,000, ayon sa pagkakasunod.

ANG

ARGIL LANCE CANIZARES

ARJOHN DELA CRUZ

BERNARDINE SISO

BETTO ORENDAIN

CHRIS JUSTINE PRULLA

DHEO TALATAYOD

FUTURES LEG

GABBY GATCHALIAN

HANS ASISTIO

TIERRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with